Lola Gets Gets na gets ko na!
Wag kang maninigarilyo para di ka magka-lung cancer. Wag kang lalabas between 10AM and 4PM para di ka magka-skin cancer. Wag kang mahilig sa taba para di ka magka-colon cancer. Wag kang hihinga at mamamatay ka. Bawal magkasakit ngayon, ano ka? Mayaman?
Lucky Number: 50/50
Hindi hawak ng mga bituin ang ating kapalaran. Gabay lamang sila. Meron tayong free will kaya’t gamitin natin ito.
Jobert Sucaldito Sino naman kaya yun?
Boring na ang gumastos sa iyo dahil marami kang pera. Masyado nang humahaba ang sungay mo. Bawasan dahil makakatabi mo ang crush mo. Malas mo lang dahil hindi siya Taurus. At mas malas mo lang, dahil mangungutang pala siya sa iyo.
Lucky Number: 5, 6
Hindi hawak ng mga bituin ang ating kapalaran. Gabay lamang sila. Meron tayong free will kaya’t gamitin natin ito.
Dodong Jardinero Sino kaya yun?
Ito na ang iyong pagkakataon. Makakatabi mo ang may hidden desire sa iyo. Wala kang pera di ba? Malayo pa ang katapusan kaya mangutang sa kanya or else katapusan mo na talaga. Ngunit habang wala pang sweldo, mag-sideline. Lako ka muna ng taho. Bagay. Tignan mo.
Lucky Number: 15, 30
Hindi hawak ng mga bituin ang ating kapalaran. Gabay lamang sila. Meron tayong free will kaya’t gamitin natin ito.