Putomaya
September 23, 2009

Putomaya releases its newest single “Info Ad Nakikita”, a cover of Rivermaya’s “Hinahanap-hanap Kita”.

  

Hit “Play” and sing along! Woohoo!

0:00 / 0:00

 
“Ad ang sa ‘yo,
Ad din sa akin”
Halos sawa na sa parang info ad marathon
“Ramdam kayo”
At ang “Akala”
“Puno’y hatid” at “libreng buhay”
Tuloy ang bida ang isipan ko’y iligaw

Sa umaga’t sa gabi
Sa bawa’t minutong lumilipas
Info ad nakikita
Info ad nakikita

Sa isip at panaginip
Pagkapangulo ang tadhana
Info ad nakikita

Hatid sa n’yo
Nung ‘sang hapon
Na silang magkasama parang teleserye
Kanilang guesting
Ay live sa bahay n’yo
Sabay propose, sabay may kiss.
Sabay kaway

Sa umaga’t sa gabi
Sa bawa’t minutong lumilipas
Info ad nakikita
Info ad nakikita

Sa isip at panaginip
Pagkapangulo ang tadhana
Info ad nakikita

(Isip ko ay pilit pihitin
Issues gusto mong tabunan
Ang iyong tinig at awitin
Tuwing sasapit halalan
Dating mga pinangakuan
Mukha yatang nilimot na
Ang pisong pinagpawisan
Ay gagastusin ng iba)

Sa umaga’t sa gabi
Sa bawa’t minutong lumilipas
Info ad nakikita
Info ad nakikita

Sa isip at panaginip
Pagkapangulo ang tadhana
Info ad nakikita
Info ad nakikita

Sa primetime at maging sa late night
Kahit noontime show araw-araw
Info ad nakikita
Info ad nakikita

At kahit na mahal ang ad, basta’t
Maging pangulo balang araw
Info ad nakikita
Info ad nakikita

396 fans like this post.
Share to the World:
  • Facebook
  • Twitter
  • Tumblr
  • Plurk
  • Ping.fm
  • FriendFeed
  • Posterous
  • Google Bookmarks
  • email